April 04, 2010


okay, im certified NOYNOY-ians.. im guilty!LOL i just want to share why i chose noynoy to be my bet this election.

why him? you should chose orange, red, green or blue! simply because i love yellow! haha. i believe in him. their family, his parent’s credibility and their principles. kahit na anong sabihin ng iba, kay noynoy pa din ako. a lot says that, “kung hindi pa namatay ang nanay niya, sigurado hindi yan magbabalak tumakbo.” yeah right! pero sino bang nag udyok kay noynoy na tumakbo ? di ba IKAW din?( hindi ko nilalahat) at siguro hindi rin maiisip ng tao na piliin siya bilang kandidato kung hindi pa namatay si cory.tama? oo marahil nakisabay lang sa kasagsagan ng ‘kasikatan’ ng mga AQUINO nung namatay si cory ang mga tao kaya naisipan nilang i convince si noynoy na tumakbo. pwede nga din. pero pipiliin ba ng mga tao si noynoy kung wala silang tiwala sa kanya? bilib nga din ako dahil siya lamang ang presidentiable na mismong taong bayan ang pumili. meron pa bang iba? may nagsasabi ding, “puro magulang and laging binabanggit, hindi ba siya makatayo sa sariling paa? at subukang gumawa ng sariling pangalan.” (ooppps wala akong pinatatamaan) para naman sa akin, masama bang gawing modelo ang sarili mong mga magulang kung alam mo at ng nakararaming tao na tama ang kanilang mga ginawa nung nabubuhay pa sila. hindi naman tatawaging bayani si ninoy at mother of democracy si cory kung wala talaga silang nagawang mabuti sa bansa.tama?nais lang niyang sundan at tularan yung mga prinsipyong meron ang mga magulang niya dahil marahil alam niyang yun yung mas magugustuhan ng mga tao. meron pang nagsasabing lagi din niyang sinasandalan ang EDSA PEOPLE POWER. e sa dun sila nakilala e. kahit naman nung kino-convince pa lang siya di ba PEOPLE POWER na din yun?mass choice kumbaga (tama ba?). wala akong pakialam sa mga platforms nila, kahit naman pagsama-samahin lahat yon e iisa lang ang goal ng mga aspiring pangulo, TO LEAD at PAUNLARIN ANG PILIPINAS! basta i believe on him. hindi naman batayan dyan kung ano yung mga nagawa nila nung senador o kahit anong posisyon sa pulitika pa sila. ang mahalaga NGAYON! para sa BUKAS!

yan lang naman masasabi ko kung bakit ko siya nagustuhan. kung makakaboto lang sana ako. kaso hindi e, kaya kayo din magpapasya kung sino ba talaga yung nararapat. VOTE WISELY mga dudes. para naman kahit papano e may mangyari sa bansa natin.

______________________

KANYA-KANYA TAYO NG OPINYON AT NG NAIS NA MAGING PANGULO.PERO IISA LANG ANG LAYUNIN NATIN,ANG MAGHALAL NG LIDER NA MAPAGKAKATIWALAAN.

No comments:

Post a Comment