” wala ka dapat patunayan sa mga taong nakapaligid sa’yo”
sa tingin mo totoo kaya ‘to? masasabi mo pa ba yon kung sa panahon ngayon marami ng tao ang mapanghusga? mayayabang? mapanlait? mapangmata? nakakainis man pero ito ang realidad. matuto kang makisama, makibagay sa mga taong nakapaligid sa’yo. kung hindi mo kaya, hindi imposibleng maisipan mo na magpakamatay. sobrang babaw, pero totoo. kung mahina ang loob mo at hindi mo kayang makipagsabayan sa agos ng realidad, mapag- iiwanan ka. katulad ng mga taong nabubuhay sa problema. wala nang inatupag kundi problema. sila yung mga taong mahihina. hindi natin sila masisisi. pero hindi nga ba’t kung sino pa yung taong puno ng problema ay siya pa yung lumalakas? tumitibay ? at natututong lumaban sa mga hamon?
may kakilala ako. si emoboy. hindi siya literal na emo pero emo siya. nabubuhay siya sa mga problema. problema sa pamilya, sa pag-aaral, sa pag- ibig. pati problema ng kapitbahay nila ay pinoproblema niya. pero ang naaalala ko lang na problemang sinabi niya sa akin ay yung problema niya sa pamilya. bunso kasi siya at tatlo silang magkakapatid. siya nalang ang nag-aaral. ang mga magulang at dalawa niyang kapatid ay lahat may trabaho. may pagka marangya ang pamumuhay nila. para sa iba, masuwerte na si emoboy dahil nabubuhay siya ng sagana. sagana sa gadgets, cellphone, psp, camera, laptop, nintendo ds, ipad. pero ang hindi nila alam, malungkot si emoboy (kaya nga emo). akala ng marami sunod sa luho siya, yun bang lahat ng naisin ay binibigay agad. nakwento niya sa akin na ang lahat ng meron siya ngayon ay hindi matutumbasan ng mga panlalait na ginagawa sa kanya ng kanyang mga kapatid, maski ng kanyang mga magulang. masaya naman daw siya nung mga bata pa sila pero naiba iyon nang magkatrabaho ang kanyang mga kapatid. lagi siya nitong sinasabihan na wala siyang kwentang tao. hindi makatulong sa pamilya. gastos lang siya. palamunin sa isang salita. ang masakit lang daw ay pumapabor pa ang kanyang mga magulang sa kanila. napansin din niyang tuwing papasok sa trabaho ang mga ito ay nagagawa ng kaniyang mga magulang na gumising ng maaga para pagsilbihan sila. samantalang si emoboy ay nasanay na pumapasok ng walang nag aasikaso. minsan nga nasabi niya, “ganun ba taga pag may pera ka na? ang taas na ng tingin ng tao sayo?”. gumigising siya araw-araw ng ganon ang senaryo. hanggang sa maisipan niyang gumawa ng paraan. naghanap siya ng boarding house malapit sa unibersidad at naging working student kahit alam niyang kaya ng pamilya niyang pag-aralin siya. hindi niya iyon pinaalam sa magulang niya. gusto niyang kapag bumalik siya sa bahay nila ay may mukha siyang ihaharap at maipagmamalaki sa kanila. at nais niyang ipamukha sa kanila na mali sila sa paghusga sa kaniya.TAPOS
sa tingin mo, tama ba ang kasabihang nasa itaas? kung mismong taong malalapit na sa iyo ang walang bilib sayo, gagawa ka din ba ng mga bagay para mapatunayan ang sarili mo sa kanila? o panghahawakan mo na lang ang ideyang ” ang pamilya ang higit na nakakaintindi kung sino ka”?
______________________
visit tootsko.tumblr.com
No comments:
Post a Comment